Sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, may katahimikang unti-unting umiingay: ang panganib kasabay ang pag-usbong ng Artificial Intellingence. Sa bawat pindot, tanong, at utos natin, may kaakibat na ginhawang naitutulong ang AI. Ngunit habang tayo ay nalululong sa kaginhawaang ito, hindi ba’t unti-unti ring nabubulok ang dapat sana’y sa ating isip nagmumula?
Ang AI ay isang sistemang ginagaya ang paraan ng pag-iisip at pagkatuto ng tao. Ginagamit ito sa paggawa ng iba’t ibang proyekto: paggawa ng data, teksto, at ang uso ngayong paggaya o pagbuo ng isang imahe. Halos lahat ng tao, kabilang na ang mga industriya ay gumagamit n anito. Subalit lumalalim din ang panganib na hatid kasabay ang pag-unlad nito.
Isa sa madalas na nakikita sa listahan ay ang “deskilling”. Kapag palaging sumasandal ang isang estudyante sa AI para magsulat ng sanaysay, saan nababaling ang sariling talion? Kapag labis na ummasa ang isang propesyonal sa AI para magdesisyon, hindi ba’t unti-unti ring naglalaho ang kanilang kasanayan? Kapag hindi na sariling bunga ang mga ideya kundi gawa na ng makina, nasaan pa ang tunay na inobasyon?
Hindi rin natin makaiila ang ang usapin ng plagiarism. Oo, madaling matutugunan ng AI ang mga gawain. Pero nakaakibat din dito ang handog na panganib nito: maaari nitong mahiwagang matularan ang mga gawa ng iba. Nauuwi ito sa mga hindi sinasadyang pagnanakaw ng intelektwal nap ag-aari nang walang kamuwang-muwang na gumagamit nito.
Ang mga posibleng implikasyon? Hindi biro. Sa akademya, maaaring mauwi ito sa suspension o mas malalang parusa, kagaya ng pagkakakulong. Maaaring masira ng reputasyon o malagay sa alanganin ang karera sa mga nasa propesyonal na mundo.
Bagaman maraming panganib ang hatid nito, hindi rin natin maitatanggi ang kabutihan ng AI. Napapdali nito ang ating mga gawain, nag-aalok ng insight, at tumutulong maging accessible ang pagkatuto para sa marami. Hindi ito masama, maliban nalang kung masakop nito ang sarili nating kakayahan.
Kung patuloy nating iaasa ang AI na parang tungkod, baka hindi na tayo matutong maglakad mag-isa. Ngunit kung gagamitin natin ito hindi bilang kapalit, mas makalilikha tayo ng mundong talion ng tao at teknolohiya na magkasabay na umaangat.
At sa panahon ng digital, iyon ang tunay na inobasyon.